Mga pamilyang apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal, tumaas pa
Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibiduwal na naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Taal noong March 26.
Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang 10:00, Miyerkules ng umaga (March 30), umakyat sa 1,823 pamilya o 6,568 katao ang apektado ng aktibidad sa naturang bulkan.
Nagmula ang mga apektadong mamamayan sa 17 barangay sa probinsya ng Batangas.
Nasa 19 na ang itinalagang evacuation center.
Ayon pa sa NDRRMC, nasa 4,039 ang displaced persons sa loob ng evacuation centers, habang 1,886 naman ang displaced person sa labas ng evacuation centers.
Samantala, base sa 8:00 update ng Phivolcs, nakapagtala ang Taal Volcano Network o TVN ng apat na volcanic tremor events na tumagal ng dalawa hanggang limang minuto sa nakalipas na 24 oras.
Nagkaroon din ng low-level background tremor simula noong March 29.
Sa ngayon, nasa Alert Level 3 pa rin ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.