Apat na volcanic tremor, napaulat sa Bulkang Taal

Photo credit: Phivolcs

Nakapagtala ang Taal Volcano Network o TVN ng apat na volcanic tremor events na tumagal ng dalawa hanggang limang minuto sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, nagkaroon din ng low-level background tremor simula noong March 29.

May naganap na ‘upwelling’ ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 1,500 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.

Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 4,474 tonelada kada araw noong March 28.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone o PDZ) at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel.

Ipagbabawal din ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake, at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.

Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, o accumulation ng lethal volcanic gas.

Read more...