Magnitude 4.2 na lindol, tumama sa Catanduanes

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Catanduanes, Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 86 kilometers Southeast ng Baras.

Naramdaman ang pagyanig bandang 8:53 ng gabi.

Isang kilometro ang lalim nito at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...