P20 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Davao del Sur

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Davao ang 690 master cases ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang joint buy-bust operation sa Hagonoy, Davao del Sur noong March 24.

Tinatayang nagkakahalaga ng P20 milyon ang kontrabando na may tatak na Wilson, Champion, EXXE, Absolute Blue at iba pa.

Sanib-pwersa sa operasyon ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), X-ray Inspection Project (XIP), at Enforcement Security Service (ESS), katuwang ang Philippine National Police (PNP) Regional Special Operations Group (RSOG) XI.

Naglabas na si District Collector Atty. Erastus Sandino Austria ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kontrabando dahil sa paglabag sa Section 117 at Section 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Tiniyak ng BOC sa publiko na mananatili silang mapagmatyag para protektahan ang bansa laban sa smuggling.

Read more...