Binabantayang LPA, maari nang lumabas sa bansa sa susunod na 24 oras
Maari nang makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa susunod na 24 oras.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Samel Duran, huling namataan ang LPA sa layong 235 kilometers West Northwest ng Puerto Prinsesa City o 295 kilometers Silangan ng Pagasa Island.
Gayunman, magdadala pa rin ang sama ng panahon ng pag-ulan sa Palawan, at Kalayaan Islands.
Samantala, umiiral pa rin ang Easterlies sa nalalabing parte ng bansa.
Asahan pa rin aniya ang maalinsangang panahon na may tsansa ng thunderstorms hanggang Miyerkules ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.