Payo ni Sen. Go kay Atayde: “Unahin ang interes ng mamamayan”

By Chona Yu March 29, 2022 - 06:09 PM

Unahin ang interes ng mamamayan.

Ito ang payo ni Senador Christopher “Bong” Go kay Quezon City 1st District Congressman candidate Arjo Atayde matapos malaman na isa si Senador Go sa kanyang mga iniidolo at nais na tularan sakaling maging mambabatas.

Ayon kay Go, hindi magkakamali si Atayde at iba pang mga baguhang kandidato kung laging uunahin ang pagbibigay serbisyo at mamahalin ang mamamayang Filipino.

Ginawa ni Go ang pahayag kasabay ng kanyang pagbibigay ng tulong sa 149 na pamilya na nasunugan sa Maharlika Village sa Taguig City.

Magugunitang una nang nagpakita ng suporta si dating DICT Secretary at dating Senador Gregorio Honasan kay Atayde dahil sa kanya adbokasiya na magkaroon ng libreng wifi sa buong kapulungan ng bansa.

Isinusulong din ni Atayde ang aksyon agad sa serbisyo-publiko sa mamamayang Filipino.

Noong kasagsagan ng hagupit ng pandemya, nagboluntaryo si Atayde na tumulong sa pamamahagi ng gamot at bitamina sa mga kababayan at namahagi rin ng pagkain sa mga mahihirap na apektado ng pandemya.

Dahil sa nakita niya ang hirap na nararanasan ng mga kababayan, ito raw ang nagtulak para siya ay tumakbo bilang kongresista ng 1st District ng Quezon City.

TAGS: ArjoAtayde, BongGo, InquirerNews, RadyoInquirerNews, ArjoAtayde, BongGo, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.