Bayanihan E-Konsulta program ng OVP, muling binuksan
Muling binuksan ang Bayanihan E-Konsulta program ng Office of the Vice President (OVP) noong Lunes, March 28.
“Nais po naming ipaalam na naaprubahan na ng COMELEC ang petition for exemption ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Bayanihan E-Konsulta,” base sa anunsiyo nito sa Facebook.
Nagsimulang buksan ang chatbot sa Facebook page ng naturang programa, kung saan pwedeng humiling ng teleconsultation kasama ang volunteer docotrs, bandang 1:00 ng hapon.
Limitado lamang sa 400 ang bilang ng slots na bubuksan kada araw.
“Ito ay upang masigurong may sapat na panahon para maproseso ang lahat ng request na pumapasok sa system natin,” paliwanag nito.
Babala naman nito sa publiko, mag-ingat sa mga nagpapadala ng text o tawag na nagpapanggap na bahagi ng naturang programa, kung saan humihingi ng mga personal na impormasyon sa hiwalay sa mensahe mula sa Facebook page.
Maaring makipag-ugnayan ang publiko sa OVP Facebook page, o mag-email sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.