Palasyo, nanindigang nasa soberenya ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc

By Chona Yu March 29, 2022 - 03:52 PM

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na nasa soberenya ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc.

Pahayag ito ng Palasyo bilang tugon sa sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin na may soberenya ang China sa Bajo de Masinloc o Panatag Shoal.

Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, nananatili ang posisyon ng Pilipinas, sa soberanya nito sa Bajo de Masinoc, at sa karapatan at hurisdiksyon ng bansa sa mga karagatan sakop nito at Exclusive Economic Zone (EEZ) nito.

“The Philippine position is we continue to exercise full sovereignty over Bajo de Masinloc and its territorial sea, as well as sovereign rights and jurisdiction over the surrounding EEZ and continental shelf,” pahayag ni Andanar.

Una nang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) noong March 2 na nagkaroon ng insidente ng paglapit o paggalaw ng vessel ng Chinese Coast Guard, 21 yarda patungo, sa BRP Malabrigo.

TAGS: bajo de masinloc, BRP Malabrigo, InquirerNews, MartinAndanar, PanatagShoal, PCG, RadyoInquirerNews, Wang Wenbin, bajo de masinloc, BRP Malabrigo, InquirerNews, MartinAndanar, PanatagShoal, PCG, RadyoInquirerNews, Wang Wenbin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.