Sunog, sumiklab sa isang sinehan sa Uptown Mall sa Taguig

Photo credit: Uptown Bonifacio/Facebook

Sumiklab ang sunog sa isang sinehan ng Uptown Mall sa Bonifacio Global City, Taguig Martes ng tanghali.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), itinaas sa unang alarma ang sunog sa Cinema 3 ng ikatlong palapag ng mall bandang 11:49 ng umaga.

Sinabi ng pamunuan ng Uptown Bonifacio na hindi operational ang nasunog na sinehan.

Idineklarang fire under control sa naturang lugar bandang 1:37 ng hapon, at tuluyang naapula dakong 2:00 ng hapon.

“Mall guests, tenants, employees and workers from the adjacent office towers were immediately evacuated following proper safety protocols and procedures,” saad ng pamunuan ng mall.

Wala ring napaulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente.

“We thank all our mall partners, mall employees, especially our customers, for their cooperation during the evacuation process,” dagdag nito.

Read more...