JobStart at SPES puwede sa mga pangarap magtapos ng pag-aaral – Sen. Sonny Angara

By Jan Escosio March 29, 2022 - 01:31 PM

Hinikayat ni Senator Sonny Angara ang mga kabataang Filipino na nahinto sa pag-aaral na samantalahin ang mga programa na magiging daan para sa katuparan ng kanilang pangarap.

Binanggit ni Angara ang Special Program for the Employment od Students (SPES) at JobStart program upang makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan.

Si Angara ang pangunahing awtor ng RA 10917 o ang Expanded SPES Law at RA 10869 o ang JobStart Philippines Act.

Diin ng senador napakahalaga ng dalawang naturang batas  lalo na ngayon maraming kabataang Filipino ang naapektuhan ng pandemya ang pag-aaral.

Aniya, libo-libo ng out of school youths, maging ang mga walang trabahong kabataan ang nakinabang sa dalawang batas.

“Every year, thousands of deserving Filipino youth benefit from the SPES and JobStart programs that we introduced as tools  to assist them in getting their education back on track and for them to gain the experience  and skills they need to become employed,” sabi pa nito.

TAGS: news, Radyo Inquirer, sonny angara, Special Program for the Employment od Students, news, Radyo Inquirer, sonny angara, Special Program for the Employment od Students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.