Sen. Joel Villanueva umaasa na maraming iskolar ang magiging Doktor Para sa Bayan
Ipinapanalangin ni reelectionist Senator Joel Villanueva na maraming iskolar ng ‘Doktor Para sa Bayan’ ang susunod na lulusot sa medical board examinations.
Pahayag ito ni Villanueva kasunod nang pagkakapasa ng 1,427 bagong doktor sa bansa ngayon buwan.
Puna ng senador malayo pa rin ang kabuuang bilang ng mga doktor sa bansa sa dapat na doctor-to-population ratio.
“Kung dapat may isang doktor sa bawat isang libong tao, kulang pa po tayo ng 80,000,” aniya at ito ay base sa populasyon sa bansa na 110 milyon.
Banggit niya pagsapit ng taong 2013, madadagdagan ang populasyon sa Pilipinas ng 15 milyon at karagdagang 45,000 doktor ang kailangan.
Aniya sa kanyang pagsusumikap ay nadagdagan pa ang pondo para sa naturang programa, na layong makapag-aral at makapagtapos ng medisina mga nangangarap maging doktor ngunit may problemang pinansiyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.