Mga pumanaw dahil sa COVID-19, umabot na sa 6.15 milyon

AFP photo

Lagpas 6.15 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,152,074 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,004,244.

Sumunod na rito ang Brazil na may 659,012 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 521,098 naman ang death toll sa India habang 367,686 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 322,761
– Peru – 212,157
– United Kingdom – 164,671
– Italy – 158,877
– Indonesia – 154,774
– France – 141,821
– Iran – 140,063

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 483,810,003 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 418,007,445 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...