Pinaalahanan ng National Water Resources Board (NWRB) ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig dahil patuloy na bumababa ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Sinabi ni NWRB Executive Dir. Sevillo David hindi dapat nasasayang ang tubig upang hindi makadagdag sa nababawas na tubig sa Angat Dam.
Aniya tumataas ang konsumo ng tubig sa Metro Manila dahil sa mainit na panahon.
Ito rin aniya ang dahilan kayat hindi nila binabawasan ang suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila para matiyak na sapat ang dumadaloy sa gripo ng mga konsyumer.
Dagdag pa ni David kailangan din ang sapat na suplay ng tubig bunsod na rin ng pandemya.
Nabatid na 90 porsiyento ng tubig ng Metro Manila ay nagmumula sa Angat Dam.
MOST READ
LATEST STORIES