Mga Pinoy sa Saudi Arabia, ligtas sa pag-atake ng Yemeni rebels

 

 

 

 

Walang Filipino ang nasaktan sa serye ng pag-atake ng Yemeni rebels sa oil facilities sa Jeddah, Saudi Arabia.

 

Ayon sa ulat ng Philippine Embassy, sa ngayon, nasa ligtas na kalagayan ang mga Filipino sa Jeddah.

 

Pinagsusumikapan aniya ng embahada na mabigyan ng proteksyon ang Filipino community sa Saudi Arabia.

 

Pinapayuhan ng embahada ng Pilipinas ang mga Filipino na maging mapagmatyag at magbantay sa mga security advisories para sa kanilang kaligtasan.

 

Read more...