Ilang parte ng Visayas, Mindanao uulanin dahil sa LPA
Nasa Sulu Sea na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Samuel Duran, huling namataan ang LPA sa layong 100 kilometers North Northwest ng Zamboanga City bandang 3:00 ng hapon.
Kikilos aniya ang sama ng panahon pa-Kanluran.
Bunsod nito, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan na may pagkidlat at pagkulog sa Palawan, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Zamboanga Peninsula hanggang Martes ng umaga, March 29.
Ani Duran, maaring lumabas ang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Samantala, Easterlies naman ang nakakaapekto sa nalalabing parte ng bansa.
Magdudulot ito ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.