Ana Jalandoni, humarap na sa media matapos ang insidente ng pambubugbog

Photo credit: Marinel Cruz/PDI

Bakas pa rin ang tinamong black eye ng aktres na si Ana Jalandoni nang humarap sa media matapos ang insidente ng pambubugbog.

Hindi napigilan ng aktres na maiyak habang isinasalaysay ang nangyaring pambubugbog sa kaniya ng nobyong si Kit Thompson.

Kasama ni Jalandoni na humarap sa media ang kaniyang mga abogado.

Ayon kay Atty. Faye Singson, legal counsel ng aktres, dalawa pang kaso ang isasampa nila laban kay Thompson. Ito ay ang frustrated homicide at illegal detention.

Sinabi naman ni Jalandoni na handa niyang patawarin si Thompson.

Ngunit, kailangan aniyang harapin ng aktor ang mga bunga ng kaniyang maling aksyon.

Nang tanungin kung ano ang mensahe niya kay Thompson, ito ang nasabi ni Jalandoni, “Kit, fix yourself.”

Matatandaang naaresto si Thompson matapos makatanggap ng emergency call para sagipin si Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay City, Cavite noong March 18.

Read more...