100-percent passenger capacity sa mga sasakyang-pandagat, ipinatutupad na
Pinayagan na ang pagpapatupad ng 100 porsyentong passenger capacity sa mga sasakyang-pandagat sa bansa, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PPA General Manager Atty. Jay Daniel Santiago na bunsod ito ng pagbaba sa Alert Level 1 ng maraming lugar sa bansa.
100 porsyento na rin ang ipinatutupad na kapasidad sa lahat ng pantalan sa bansa.
“Bagama’t pinapayagan na po ang 100-percent capacity, nagbibigay-abiso po tayo sa ating mga kababayan, sa ating mga mananakay na siguraduhin pa rin ang mga kaukulang requirements o dokumento na nire-require ng kanilang mga destinasyon,” paalala ni Santiago.
Aniya, iba-iba pa rin kasi ang mga hinihinging requirements ng mga lokal na pamahalaan, depende kung saang Alert Level classification napapabilang.
Patuloy pa rin aniyang susundin ang pag-implementa ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsuri ng temperatura, social distancing, at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.