Comelec, ilalabas ang listahan ng ‘areas of election concern’ sa Huwebes
Maglalabas ang Commission on Elections (Comelec) ng listahan ng mga tinatawag na “areas of election concern” sa Huwebes, March 31.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia na tutukuyin ang klasipikasyon ng bawat lugar sa bansa kung mapapabilang sa green, yellow, orange, o red category.
“Asahan niyo po hanggang Thursday ay mag-aannounce po ang Comelec, sa pamamagitan po ng en banc, ia-announce po natin kung ano talaga ang areas of concern lalo na ‘yung red [category]”
Mahigpit aniyang tututukan ng komisyon ang mga lugar na mapapabilang sa ‘red category.’
“Talagang bibigyan natin ng pagtutok at pagtuon sa napakataas na posibilidad na magkaroon ng violence o kaya’y matindi talaga ‘yung laban o awayan ng mga kandidato lalo na sa lokal,” ani Garcia.
Sa ngayon, nagsumite na aniya ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng listahan ng ‘areas of election concern.’
Matatandaang nagsimula ang kampanya ng mga lokal na kandidato noong March 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.