Taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad sa March 29

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Matapos ang rollback noong nakaraang linggo, magpapatupad na ng price increase sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, Shell, at Unioil, may dagdag na P8.65 sa kada litro ng diesel habang P3.40 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng taas-presyo na P9.40 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (March 29).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Seaoil, Shell, at Unioil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...