Bulkang Taal, hindi nakapagtala ng volcanic earthquake

By Angellic Jordan March 28, 2022 - 11:34 AM

Walang na-detect ang Taal Volcano Network o TVN na volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, may naganap na ‘upwelling’ ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 1,000 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.

Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 1,140 tonelada kada araw noong March 27.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone o PDZ) at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel.

Ipagbabawal din ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake, at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.

Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, o accumulation ng lethal volcanic gas.

TAGS: AlertLevel3, BulkangTaal, InquirerNews, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, TaalVolcano, AlertLevel3, BulkangTaal, InquirerNews, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, TaalVolcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.