Waste management ipinaalala ni Sen. Loren Legarda sa mga mangingisda
Sa pagbisita ni senatorial aspirant Loren Legarda sa mga lungsod ng Navotas at Malabon, pinaalahanan nito ang mga nasa sektor ng pangingisda sa mga tamang paraan ng pagtatapon ng mga basura.
Sinabi din nito ang tamang paraan ng pangingisda para na rin sa kaligtasan.
Ayon kay Legarda, ang ‘waste management’ ay dapat na naisasagawa sa bahay at komunidad, kabilang na ang ‘waste segregation, recycling at upcycling.
Binanggit nito na ang Barangay Potrero, na itinuturing na zero-waste model community.
“We have been blessed with the bounties of the earth, but amid this abundance, we must be mindful. The pandemic and the climate crisis pose many development challenges, but it also presents the opportunity to promote sustainable growth for our own survival and for the generations to come,” sabi pa nito.
Dagdag pa nito, nais niya na sumailalim pa sa mga karagdagang pagsasanay ang mga nabubuhay sa pangingisda para sila ay magkaroon ng oportunidad na makapagsimaul ng kanilang sariling negosyo.
Kailangan din, ayon pa kay Legarda, na magkaroon ng dagdag pamumuhunan sa mga imprastraktura, fish ports at farm-to-market roads.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.