Obama, tiniyak ang magandang ugnayan ng US at Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration

By Kathleen Betina Aenlle May 19, 2016 - 04:53 AM

 

obama duterteBukod sa pagbati sa pagkapanalo ni presumptive President Rodrigo Duterte, binati rin ni US President Barack Obama ang pagkakaroon ng mataas na voter turnout sa nagdaang matagumpay na May 9 elections.

Sa unang pag-uusap nina Duterte at Obama sa pamamagitan ng tawag sa telepono, sinabi ng US President na batid na batid sa naganap na halalan ang pamamayagpag ng demokrasya sa Pilipinas.

Nabigyang diin rin ni Obama sa kanilang pag-uusap ang matagal na at magandang relasyon ng US at ng Pilipinas, kabilang na ang aniya’y “shared commitment” ng dalawang bansa sa demokrasya, karapatang pantao, rule of law at inclusive economic growth.

Ayon pa sa statement na inilabas ng White House, parehong tiniyak ng magkabilang panig ang pagpapatuloy at pagpapaganda ng relasyon ng US at Pilipinas kung saan magiging batayan ang mga pinaniniwalaan nilang prinsipyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.