241 na pamilya sa Batangas, lumikas na dahil sa pag-alburuto ng Bulkang Taal

By Chona Yu March 26, 2022 - 05:48 PM

 

 

 

Nasa 241 na pamilya na naninirahan sa paligid ng Bulkang Taal ang lumikas na.

 

Ito ay matapos mag-alburuto at itaas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

 

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 160 na pamilya o 900 na indibidwal ang lumikas mula sa mga barangay ng Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo, Batangas.

 

Nasa 81 na pamilya o 222 na indbidwal naman ang lumikas mula sa mga barangay ng Boso-boso, Gulod at eastern portion ng Bugaan West sa bayan ng Laurel.

 

Una nang pinayuhan ng Phivolcs ang mga residente na naninirahan na malapit sa bulkan na lumikas na para sa kanilang kaligtasan.

 

TAGS: Agoncillo, alburuto, Batangas, Bulkang Taal, laurel, news, Radyo Inquirer, Agoncillo, alburuto, Batangas, Bulkang Taal, laurel, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.