Kampanya ni Isko sa Batangas, pinutol dahil sa pag-alburuto ng Bulkang Taal

By Chona Yu March 26, 2022 - 03:14 PM

(IM media)

Pinutol ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang town hall meeting sa San Nicolas, Batangas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

 

Ayon kay Moreno, kahit gaano pa kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga taga-Batangas,, mababalewala lamang ito kung itutuloy ang pangangampanya.

 

Sinabi pa ni Moreno na hinayaan na niya ang mga residente na makapaghanda sa kanilang mga gamit at buhay para makalikas.

 

Nakiusap na si Moreno kina Senador Ralph recto at ng kanyang ka-tandem na si Doctor Willie Ong na putulin na ang kampanya at pauwiin na ang mga residente.

 

Nabatid na ang San Nicolas ay 10 kilometro ang layo mula sa bulkan.

May ibang pagkakataon pa naman aniya para mangampanya.

Nakahanda aniya ang lokal na pamahalaan ng Manila na tumulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.

 

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, Isko Moreno, news, Radyo Inquirer, San Nicolas, Batangas, Bulkang Taal, Isko Moreno, news, Radyo Inquirer, San Nicolas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.