Tulungan ang mga magsasaka, mangingisda para sa food security – Loren Legarda

By Jan Escosio March 26, 2022 - 12:47 PM

Hiniling ni senatorial candidate Loren Legarda sa economic managers ng gobyerno na agad tulungan ang mga magsasaka at mangingisda para sa seguridad ng pagkain sa bansa.

 

Binanggit ni Legarda ang ulat mula sa UN International Fund for Agricultural Development (IFAD), dahil sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, apektado ang halos 25 porsiyento ng suplay sa buong mundo ng wheat at 16 porsiyento naman sa mais.

 

Aniya dahil sa krisis nararamdaman na sa mga mahihirap na bansa, kabilang ang Pilipinas, ang mga epekto.

 

“The war in Ukraine is teaching us a very valuable lesson: we cannot rely on other countries for our food needs. We must produce our own if we want to ensure our survival and food security,” diin ni Legarda.

 

Puna nito, sa halip na tulungan ang mga lokal na nagtatanim ng mais, nanganganib pa ang kanilang kabuhayan ng plano ng Department of Agriculture (DA) na tapyasan pa ang taripa para madagdagan ang mga ipinapasok sa bansa na mga butil.

 

Paliwanag ni Legarda napakahalaga ng mais, hindi lamang sa paggawa ng pagkain ng mga hayop, kundi maging sa mga sangkap para sa pagkain ng mga tao.

 

Diin lang ng nagbabalik na senador, hindi dapat umasa ang bansa sa ibang bansa para sa mga pangangailangan sa pagkain, gaya ng bigas, kare ng baboy at manok, isda, maging mga gulay.

 

Kailangan, aniya, ay gumawa ang Pilipinas ng sariling mga pagkain para magkaroon ng kasiguruhan na hindi magugutom ang mga Filipino.

 

Nangako si Legarda na kapag nakabalik siya sa Senado, titiyakin niya na mabibigyan ng sapat na pondo at magpapatuloy ang modernisasyon sa sektor ng agrikultura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.