Kung ako corrupt, sisiw ang P800 milyon – Ping Lacson

Sinabi ni independent presidential aspirant Ping Lacson na madali lang niyang maibibigay ang P800 milyon kung siya ay tiwali.

 

Patungkol ito sa nauna niyang ibinunyag na paghingi ng kampo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ng P800 milyon sa kanya para pondohan ang kandidatura ng mga lokal na kandidato ng Partido Reporma.

 

“Kung corrupt ako, madali ko sanang maibibigay ang P800 milyon na hinihingil nila,” sabi nito.

Ngunit wala siyang lakas ng loob para magnakaw sa pondo ng gobyerno o tumanggap ng mga suhol.

 

Naninindigan si Lacson na walang bagay na makakapagpabago ng kanyag mga prinsipyo at dudungis sa kanyang integridad.

 

Aniya ang kinabukasan ng bansa at ng mga Filipino ang kanyang ipinaglalaban.

 

Unang nilinaw ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, ang pangulo ng Partido Reporma, na ang P800 milyon  ay para sa kanilang poll watchers at hindi sa kanilang mga lokal na kandidato.

 

Read more...