Loren Legarda: Cavite, malaki pa ang potensyal sa bagong trabaho, kabuhayan
Sa pagdalaw kamakailan ni senatorial aspirant Loren Legarda sa Cavite, sinabi nito na marami pang magagawa para makalikha ng mga bagong trabaho at kabuhayan hanggang sa mga barangay.
Binanggit niya sa mga nakaharap na mga lokal na opisyal, ang muling paglulunsad niya ng LOREN sa Bawat Barangay Program, gayundin ang Barangay Livelihood and Skills Training Act, na kapwa niya iniakda sa Senado.
Paliwanag niya ang dalawang programa ay lubos na makakatulong sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) para sa paglikha ng mga bagong trabaho at pagtataguyod ng mga kabuhayan.
Aniya, bagamat bumaba na ang ‘unemployment rate’ sa bansa, malaking bilang pa rin ang 2.93 milyong Filipino na walang trabaho.
“Kaya hinihikayat ko ang lokal na pamahalaan ng Cavite na makiisa sa aking pagsusulong na paigtingin ang mga programang pangkabuhayan sa bawat barangay. Kailangan nating mailapit ang mga programa ng pamahalaan sa ating mga mamamayan,” sabi pa nito.
Dahil sa pagsusumikap ni Legarda, maraming Caviteños ang nakinabang sa DOLE TUPAD at Government Internship Program, maging sa mga programa ng TESDA gaya ng Barangay Kabuhayan Skills Training Program (BKSTP), Training for Work Scholarship Program (TWSP), and Special Training for Employment Program (STEP); at DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.
Malaking tulong din ang nagawa niya para sa mapagbuti ang healthcare sa Cavite, kamakailan ay pinasinayaan niya ang Ospital ng Tagaytay at naglaan ng pondo para sa mga bagong kagamitan sa Bacoor District Hospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.