Ginugunita ngayon araw ang ika-25 anibersaryo ng cityhood ng Las Piñas at bukas, Marso 27, naman ang ika-115 taong pagkakatatag ng lungsod.
Pangungunahan ni Mayor Imelda Aguilar ang mga selebrasyon kaugnay sa dalawang okasyon.
Sa kanyang mensahe, masayang ibinalita ni Aguilar na 91 porsiyento na sa kanilang mamamayan ang nabakunahan at nabigyan na ng COVID 19 booster shots.
Ito aniya ay naging posible dahil sa pagsusumikap ng kanilang City Health Office sa pamamagitan ng Bayanihan Bakunahan program sa lahat ng 20 barangay sa lungsod.
Ibinahagi din nito na nagpapatulo ang kanilang pagdalaw sa bawat bahay para sa first at second doses, maging sa booster shots ng mga senior citizens at persons with disability (PWDs).
Inilunsad na rin ng pamahalaang-lungsod ang ‘Vaxx to School’ program para mas maraming mag-aaral ang mabakunahan sa paghahanda sa 100 porsiyentong pagbabalik sa eskuwelahan.
Naglabas din ng ‘green cards’ para sa P30,000 suporta sa pagpapa-ospital ng mga residente sa Las Piñas Doctors Hospital, Las Piñas Medical Hospital, Perpetual Help Medical Center-Las Piñas, Philippine General Hospital at San Juan de Dios Hospital.
Bahagi din ng mga pagdiriwang ang job fair, kung saan 182 ang agad nabigyan ng trabaho at kasalang-bayan, na nagbigay daan para mabasbasan ang pagsasama ng 115 pares at painting exhibit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.