Force evacuation sa mga mangingisda sa Taal Volcano Island, ipinatupad ng PCG

By Chona Yu March 26, 2022 - 10:56 AM

 

Naka-heightened alert status ngayon ang Philippine Coast Guard  District Southern Tagalog dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay PCG commandant Admiral Artemio Abu, nagpakalat na ng isang deployable response group ang PCG Batangas para mabantayan ang sitwasyon at mga susunod pang aktibidad ng Bulkang Taal.

Inatasan na rin ni Abu ang PCG sub-station Talisay at San Nicolas para magpatupad ng “force evacuation” sa lahat ng mga mangingisda at fish cage workers sa paligid ng Taal Volcano Island.

Sinabi pa ni Abu na naka-antabay na ang dalawang PCG trucks sa Batangas para makatulong sa paglikas ng mga apektadong residente.

 

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, force evacuation, Mangingisda, news, PCG commandant Admiral Artemio Abu, Radyo Inquirer, Batangas, Bulkang Taal, force evacuation, Mangingisda, news, PCG commandant Admiral Artemio Abu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.