Bulkang Taal, inilagay sa Alert Level 3

By Chona Yu March 26, 2022 - 09:11 AM

Muling nag-aalburuto ang Bulkang Taal.

 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mula sa Alert Level 2 na increasing unrest, itinaas ito sa Alert Level 3 o magmatic unrest.

 

Base sa 8:00 am bulletin, sinabi ng Phivolcs na ang main crater o bunganga ng bulkan ay nagkaroon ng short-lived phretomagmatic burst.

 

Nagbuga din ang bulkan ng plumes na 1500m na may kasamang volcanic earthquake at infrasound signals.

 

Pinapayuhan ng Phivolcs ang mga residente sa Taal Volcano Island at sa Barangay Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo at Boso-bobo, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel na lumikas na sa posibilidada na magkaroon ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.

 

TAGS: Alert Level 3, Bulkang Taal, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Alert Level 3, Bulkang Taal, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.