Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa anim na taong panunungkulan bilang lider ng bansa.
Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng Cancer Diagnostic Institute Building and Cancer Treatment Facility Building of the Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, sinabi nito na uuwi na siya nang maayos ang lagay ng Pilipinas.
“So I am on my sunset of my life. I walk with a limp dahil sa numerous disgrasya sa motor. Eh hindi talaga ako nadala eh. I’m coming home, God willing. Nakita ko Pilipinas, okay naman. And lahat ng sinabi ko sa tao gagawin ko, just a number of my fingers, hindi siguro mag-abot ng 10,” pahayag ng Pangulo.
Nakita naman aniya ng taong bayan na nagawa niyang ayusin ang law and order, droga, universal health care, edukasyon, irigasyon sa mga magsasaka, imprastraktura, at iba pa.
Ayon sa Pangulo, natupad na niya ang mga pangako sa taong bayan.
Pag-amin ng Pangulo, naging hibang siya nang kumandidatong pangulo ng bansa noong 2016.
Ayon sa Pangulo, tiyak na mawawalan ng stamina ang sino mang magiging susunod na lider ng bansa.
“Sabihin ko sa inyo, ang taong mag-ambisyong mag- Presidente, gago. Gago.Kagaya ko, minsan mamayat ako, minsan tataba ako,” pahayag ng Pangulo.
“When you get to study all documents of the Republic of the Philippines from all places, provinces and cities, mawalaan ka ng stamina. Sometimes you finish reading — I do not sign. Iyong iba kasi ‘pag may initial na, na reviewed na, ako hindi, binabasa ko uli tapos I sign. Matatapos ako niyan mga alas siyete, alas otso bago ako makatulog,” dagdag ng Pangulo.