Bukas si Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno na sampahan ng kasong kriminal ang pamilya ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay dahil sa hindi pagbabayad ng pamilya Marcos sa P203 bilyong tax liabilities sa gobyerno.
Ayon kay Moreno, kung papalaring maging pangulo ng bansa, hahabulin niya ang mga hindi nabayarang buwis ng pamilya Marcos.
Paano kasi aniya masisingil ang ordinaryong mamayan gayung hindi nakukuha ng gobyerno na pagbayarin ang pamilya Marcos ng napakalaking halaga na tax liabilities.
Una rito, sinabi nina retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na maaring kasuhan ng krimanal ang pamilya Marcos dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
Agad namang nilinaw ni Moreno na hindi personal na pag-atake ang kanyang ginagawa sa pamilyang Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.