Pilipinas bukas na sa mga fully vaccinaated foreign nationals
Simula sa Abril 1, papayagan na ng Inter-Agency Task Force na makapasok sa bansa ang lahat ng fully vaccinated foreign nationals nang wala nang entry exemption document.
Ayon kay acting deputy presidential spokesman Kris Ablan, kinakailangan lamang na sumunod na rin ng mga dayuhan sa visa requirement at immigration entry at departure formalities.
Kailangan din ayon kay Ablan na magkaroon ng acceptable proof of vaccination.
Ayon kay Ablan, exempted dito ang mga batang edad 12 anyos pababa basta’t kailangan kasama ang mga magulang na mgma fully vaccinated na.
Kinakailangan din aniya ng mga vaccinated foreign nationals na mag-presenta ng RT-PCR test na ginawa sa loob ng 28 oras bago ang departure sa isang bansa.
Kailangan din aniyang may pasaporte na valid ng ani na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.