Upang mas maraming estudyante ang libreng makapag-aral sa kolehiyo, isinusulong ni reelectionist Senator Sherwin Gatchalian na maisama ang State Universities and Colleges (SUCs) sa ‘Build, Build, Build’ program.
Katuwiran nito, sa ganitong paraan mas maraming silid-paaralan at pasilidad pang-edukasyon ang maitatayo.
Puna ng senador marami ang nakakapasa sa college entrance exams ngunit hindi naman nakakapag-aral dahil limktado ang kapasidad ng mga SUCs.
“We need to address this issue by building more infrastructure, kaya kailangan din ng Build, Build, Build program sa ating mga SUCs para mas maraming classrooms at laboratories at matanggap natin yung mga pumasa ng entrance exam,” sabi pa nito.
Sa naging deliberasyon sa 2022 national budget, isa sa mga pinuna ni Gatchalian ang kakulangan ng mga classrooms, laboratoryo at pasilidad sa mga SUCs para mas madaming kuwalipikadong estudyante ang makapag-aral.