PPCRV count, tinapos na

 

Kuha ni Isa Umali

Opisyal nang itinigil ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang kanilang unofficial counting sa nakalipas na national at local elections.

Nagtapos ang pagtanggap ng resulta ng halalan ng PPCRV mula sa Comelec transparency server sa 96.14% .

Ayon kay Ana De Villa Singson, tagapagsalita ng PPCRV, inabisuhan na sila ng Comelec na natanggap na ng transparency server ang huling electronic transmission.

Gayunman, magpapatuloy aniya ang manual count ng mga election results.

Sa pamamagitan nito aniya mabeberipika kung tama ang mga resulta ng eleksyon na isinumite gamit ang electronic transmissioin.

Kasabay ng pagtatapos ng ‘quick count’ ng PPCRV, pinasalamatan nito ang kanilang mga volunteers na naglaan ng oras at panahon sa kasagsagan ng eleksyon.

Read more...