Lacson – Sotto tandem, inendorso ng mga negosyanteng Maranao

By Jan Escosio March 24, 2022 - 06:45 PM

Nakakuha ng napakahalagang suporta ang tambalang Ping Lacson – Tito Sotto sa General Santos City.

Ang pag-endorso ng Maranao Employee – Businessmen Association ay hindi inaasahan ng tambalan at ang pagpunta nila sa General Santos City Public Market ay hindi bahagi ng kanilang mga aktibidad sa lungsod.

Sinabi ni Sultan Mike Mangondato, ang pangulo ng grupo, ibinigay nila ang kanilang suporta sa tambalang Lacson – Sotto dahil batid nila na tunay na nagmamalasakit ang dalawa sa mga Muslim.

Dagdag pa ni Mangodato, ang hindi pagiging korap at paglaban sa katiwalian ng dalawa ang nagbigay bigat din sa kanilang desisyon.

Nangako pa ito na ikakampaniya nila sina Lacson at Sotto sa kanilang mga kaanak sa Marawi City, gayundin sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Bilang tugon, tiniyak nina Lacson at Sotto na kung sila ang mapipiling susunod na mga mamumuno sa bansa, agad nilang tutugunan ang mga pangangailangan ng mga Muslim.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, Maranao Employee – Businessmen Association, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PingLacson, RadyoInquirerNews, Sultan Mike Mangondato, TitoSotto, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, Maranao Employee – Businessmen Association, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PingLacson, RadyoInquirerNews, Sultan Mike Mangondato, TitoSotto, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.