Sen. Risa Hontiveros nanawagan sa NTC na kumilos laban sa fake election texts

By Jan Escosio March 24, 2022 - 10:35 PM

Hinikayat ni reelectionist Senator Risa Hontiveros ang National Telecommunication Commission (NTC) na kumilos para mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng text messages na may kaugnayan sa eleksyon.

Ginawa ni Hontiveros ang panawagan nang kumalat muli ang text message ukol sa panawagan nila nina Sens. Kiko Pangilinan at Frank Drilon na i-boykot ang 7-Eleven at iba pang kompaniya na sumusuporta sa tambalang Marcos – Duterte.

“Let me just categorically deny that text message. Walang katotohanan ang anumang panawagan namin ng boycott dahil lang iba diumano ang ikinakampanya nila. Napakarami nang fake news sa social media, ngayon pati mga text messages sinakop narin,” sabi nito.

Dagdag pa ni Hontiveros na maari naman atasan ng NTC ang mga telcos na subaybayan at i-block ang mga numero na nagpapakalat ng spam text messages.

Noong nakaraang taon, hinarang ng Globe Telecom ang 71 milyong spam messages at nag-deactivate ng 5,670 mobile numbers.

“May kapangyarihan ang NTC at ang mga telecomm companies na mapigilan na ang spam and fake messages. Kailangang magtulungan tayong maihinto ang anumang pagkakalat ng fake news, lalo pa sa gitna ng kampanya. We must allow the public to choose our leaders wisely, based on factual information,” ayon pa kay Hontiveros.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.