Sinabi ni Lacson na may naiisip siyang tunay na dahilan sa ginawa ni Alvarez ngunit hindi na niya ito isinapubliko.
Ibinahagi naman nito na walang epekto sa pangangampaniya nila ni Vice Presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III ang pangyayari, kasama na ang usapin ng pondo.
Aniya, hindi niya naramdaman ang ambag ng grupo ni Alvarez sa kanilang pondo sa pagsasabing sariling sikap niya na magkaroon ng pondo at tumutulong na rin ang kanyang mga kaibigan.
Pagdidiin pa ni Lacson, walang magbabago sa kanilang istratehiya sa kampaniya at lalaban sila hanggang sa Mayo 9.
Narito ang bahagi ng pag-anunsiyo ni Lacson ng pagbibitiw sa Partido Reporma:
WATCH: Narito ang naging pag-anunsiyo ni Presidential aspirsnt Ping Lacson sa pagbibitiw sa Partido Reporma | Jan Escosio
📽: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line #VotePH #OurVoteOurFuturehttps://t.co/6FV4QTIQnS
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) March 24, 2022