Ping Lacson: Dahilan sa pagbawi ng suporta ng Partido Reporma, hindi katanggap-tanggap

By Jan Escosio March 24, 2022 - 06:32 PM

Mahirap lunukin ang ibinigay ni Partido Reporma president Pantaleon Alvarez na dahilan sa pagbawi nila ng suporta kay presidential aspirant Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na may naiisip siyang tunay na dahilan sa ginawa ni Alvarez ngunit hindi na niya ito isinapubliko.

Ibinahagi naman nito na walang epekto sa pangangampaniya nila ni Vice Presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III ang pangyayari, kasama na ang usapin ng pondo.

Aniya, hindi niya naramdaman ang ambag ng grupo ni Alvarez sa kanilang pondo sa pagsasabing sariling sikap niya na magkaroon ng pondo at tumutulong na rin ang kanyang mga kaibigan.

Pagdidiin pa ni Lacson, walang magbabago sa kanilang istratehiya sa kampaniya at lalaban sila hanggang sa Mayo 9.

Narito ang bahagi ng pag-anunsiyo ni Lacson ng pagbibitiw sa Partido Reporma:

TAGS: 2022elections, 2022polls, InquirerNews, PantaleonAlvarez, PartidoReporma, PingLacson, RadyoInquirerNews, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, PantaleonAlvarez, PartidoReporma, PingLacson, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.