3-6 months deadline kontra droga, posible ayon sa incoming PNP chief

May 19, 2016 - 04:29 AM

 

Inquirer file photo

Mataas ang kumpyansa ng incoming Philippine National Police (PNP) chief na si Chief Supt. Ronald de la Rosa na kayang masawata ang krimen at illegal drugs sa bansa sa loob ng 3-6 months.

Sa panayam kay De la Rosa, gagawin umano nila ang lahat para sa loob ng nabanggit na tatlo hanggang anim na buwan ay makaramdam ng pagbabago sa papasok na administrasyon ni Duterte.

Tulad ni Duterte, inamin ni de la Rosa na seryoso ang magiging kampanya laban sa krimen at illegal drugs na syang centerpiece ng kampanya ni Mayor Duterte.

Isinapubliko na ni incoming pres Duterte na si de la Rosa ang kanyang napipisil bilang susunod na Chief PNP bagaman noong Linggo pa umano sila nag-usap ni de la Rosa hinggil sa nabanggit na pwesto.

Ayon naman kay Dela Rosa, una niyang lilinisin ang sariling bakuran sa sandaling magsimula na itong pangunahan ang PNP.

Ito aniya ay alinsunod na rin sa marching order ni Duterte na lansagin ang krimen at problema ng ilegal na droga sa bansa.

Partikular na pinatutungkulan ni dela Rosa ang mga matataas na opisyal ng PNP at mga pulis na nagsisilbing protektor ng mga drug lords dahil sa malaking pakinabang na nakukuha dito.

Bilang babala, sinabi ni de la Rosa na lumayas na lang at huwag ng mag-pulis ang mga ito dahil tiyak na puputulin niya ang maliligayang araw ng mga ito sa ilalim ng kanyang liderato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.