Sara Duterte, inaasahang dadalo sa proclamation rally ng isang kumakandidatong alkalde sa Maynila
Inaasahang dadalo sa proclamation rally ng isang mayoralty candidate sa Maynila si Davao City Mayor at Vice presidential bet Sara Duterte-Carpio sa Biyernes, March 25.
Sa media forum, sinabi ni Manila mayoralty candidate Congressman Amado Bagatsing na inimbatahan ng nila si Inday Sara at nagkumpirma na itong darating.
Bukod kay Inday Sara, nagpahayag din aniya na darating sina Senator Win Gatchialian, Rep. Rodante Marcoleta, PDP-Laban wing Energy Secretary Alfonso Cusi, dating PNP Chief Guillermo Eleazar, iba pang kinatawan kinatawan ng Kongreso at konsehal ng lungsod ng Maynila .
Nang tanungin naman kung susuportahan nito si dating senador at presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos III o kung sino ang kanyang susuportahan niyang Presidente, ang tanging isinagot ni Bagatsing ay “secret”.
Pagdating naman sa kung sino ang susuportahang Pangulo sa 2022 election, hindi pa binanggit ni Bagatsing sa kabila na si Inday Sara na ang susuportahan nito sa pagkabise pangulo.
Una nang itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni Bagatsing na nangangahulogan na siya ang ineendorso nitong mayoralty candidate sa Maynila.
“Inimbita ako ng Presidente , sabi niya sumama kana muna sa PDP-Laban , total local party lang Naman…alam mo na mataas ang respeto ko Kay Presidente Digong so,itinaas niya kamay ko kinarga KO ang PDP-Laban”, wika ni Bagatsing nang tanungin kung bahagi siya ng nasabing partido.
Ayon kay Bagatsing, tumakbo ito dahil may handog na ito sa Manilenyo, may handog na sa bayan bilang isang congressman ng ilang taon sa pamamagitan ng mga batas na nakakabenipisyo na ngayon sa mga kabahayan tulad ng PAG-IBIG law na naging batas noong 1995.
Bukod dito, plano rin busisiin ni Bagatsing ang ordinansa ng Manila LGU na non-contact apprehension na lalong nagpapahirap sa mga maaralita dahil sa malaking penalty.
Kasama rin sa kanyang plano ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa centenarian senior citizens at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.