Metro Manila at ilang karatig probinsya, inulan

By Kathleen Betina Aenlle May 19, 2016 - 04:27 AM

 

Inquirer file photo

Inulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at ang mga kalapit na probinsya, Miyerkules ng gabi.

Pasado alas-6 ng gabi nang maglabas ng advisory ang Phlippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mayroong thunderstorm na makakaapekto sa Bulacan partikular na sa Meycauayan, Obando, Bulakan at Marilao.

Gayundin sa mga bahagi ng Metro Manila na Navotas, Valenzuela, Malabon, Caloocan at Manila, pati na rin sa mga lugar ng Calamba, Canlubang, at Liliw sa Laguna, habang sa Quezon naman ay sa Sariaya, Candelaria at Lucena.

Naging malakas ang ulan sa mga bahagi ng Valenzuela, Malabon at Caloocan kung saan ilang lugar din ang binaha, pero mabilis rin namang humupa.

Inulan rin ang Makati City ngunit hindi naman gaanong naging malakas. Dahil dito, inabisuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa malakas na ulan at hangin, pati na sa kidlat at posibleng pagbaha sa ilang mga lugar.

Para naman sa araw ng Huwebes, magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang magiging panahon sa Metro manila na may posibilidad ng manaka-nakang pag-ulan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.