Senatorial bet Monsour del Rosario, suportado na si Robredo

By Angellic Jordan March 24, 2022 - 04:23 PM

Screengrab from Monsour del Rosario’s FB video

Suportado na ni Senatorial candidate Monsour del Rosario ang kandidatura sa pagka-Pangulo ni Vice President Leni Robredo.

Kasunod ito ng pag-endorso ni Partido Reporma President Pantaleon Alvarez kay Robredo.

Iginagalang aniya niya ang desisyon ni Presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na magbitiw sa Partido Reporma.

“Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang Pilipino. Naniniwala ako na marami pa siyang magagawang mabuti para sa ating bansa, at ang aking kahilingan para sa kanya ay pawang kabutihan lamang,” ani del Rosario.

Saad pa nito, “Tungkol naman sa aking kandidatura, diringgin ko ang salita ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: ‘Ang aking katapatan sa alinmang paksyon ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang aking katapatan sa bayan’.”

Layon aniya niyang sagutin ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa at makiisa sa kilusan para sa tunay na pagkakaisa.

“Naniniwala ako na ang kanyang misyon upang baguhin at iangat ang bansa ay naaayon sa sarili kong kagustuhan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng ordinaryong Pilipino, lalo na ang mga napabayaan ng mga nakaraang administrasyon,” paliwanag ni del Rosario.

Dalangin aniya na ang pananaw na makita ang mas magandang Pilipinas at mas magandang kalagayan ng pamumuhay para sa bawat Pilipino.

“Umaasa ako na anuman ang resulta ng halalan sa Mayo 9 ay magiging simula ito ng tunay na pag-unlad na patas at kaakibat ang lahat,” saad pa nito.

Bahagi si del Rosario ng senatorial line-up nina Lacson at Vice Presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III.

TAGS: InquirerNews, Leni Robredo, MonsourDelRosario, PantaleonAlvarez, PartidoReporma, PingLacson, RadyoInquirerNews, InquirerNews, Leni Robredo, MonsourDelRosario, PantaleonAlvarez, PartidoReporma, PingLacson, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.