Tatlong pulis na isinabit sa pagkawala ng e-sabong agent, isinailalim sa ‘restrictive custody’

By Jan Escosio March 24, 2022 - 09:45 AM

Limitado na ang kilos ng tatlong pulis na isinangkot sa pagkawala ng isang tinatawag na “master agent” sa online sabong, ayon ito sa pambansang puilisya.

Sinabi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo na ang tatlo ay isinailalim na sa restrictive custody sa Police Regional Office Iv (Calabarzon) Headquarters sa Calamba City.

Ayon pa kay Fernando, positibo na kasing kinilala ang tatlong pulis sa pagdinig sa Senado, sa pangunguna ni Sen. Ronald dela Rosa, na may kinalaman sa pagkawala ng ahente na si Ricardo Lasco sa San Pablo City sa Laguna noong nakaraang taon.

Sinibak na rin aniya si Police Col. Bogart Campo bilang director ng Laguna Provincial Police Office dahil sa diumano’y pagtanggap ng P1 milyon mula kay gambling consultant Atong Ang.

Sabit din sa pagkawala ni Lasco sina Police Staff Sgt. Daryl Paghangaan at Pat. Roy Navarette, bukod pa kay Master Sgt. Michael Claveria.

Nabanggit din ni Fajardo na matagal nang inalis sa puwesto ang tatlong nabanggit na pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.