Ping Lacson – Tito Sotto, hindi nasisindak sa libu-libong tao sa rally ng mga kalaban
Walang balak magbago ng istratehiya ang tambalang Ping Lacson – Tito Sotto sa kanilang kampaniya sa kabila nang pagbaha sa mga social media ng mga larawan ng libu-libong dumadalo sa campaign rallies ng kanilang mga kalaban.
Sa pagbisita ng dalawa sa Midsayap, North Cotabato, kasama si senatorial aspirant Manny Piñol, sinabi ni Lacson na kuntento na sila sa pakikipag-diyalogo sa mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
“We listen to them, they listen to us. But lets see, sa ngayon mas komportable kami what we are doing,” sabi pa nito.
Ibinahagi naman ni Sotto na isang lokal na opisyal sa Metro Manila ang nagsabi sa kanya na ang mga dumadalo sa mga rally ay sila-sila rin lang naman.
Sa bahagi naman ni Piñol, sinabi niya na maliit man ang bilang ng mga dumadalo sa kanilang rally, kumpiyansa naman siya na nangangahulugan naman ito ng boto sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.