Libu-libong tilapia, lumutang lawa sa Bicol

 

Inquirer file photo

Dahil sa epekto ng El Niño, tinatayang aabot sa 100 kilo ng tilapya ang namatay sa lake Tatag sa Irosin, Sorsogon.

Sinabi ni Nonie Enolva, ang tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bicol region, una nilang na monitor ang fishkill sa nabanggit na lawa noong nakaraang Miyerkules.

Dagdag pa nito, base sa resulta ng kanilang pagsusuri normal naman ang antas ng dissolved oxygen sa lake Tatag, gayundin ang Ph level at transparency.

Banggit nito, may namonitor din aniya sila na pagkamatay din ng mga isda sa Lake Bato sa Bato, Camarines Sur.

Paalala ni Enolva hindi na maaring kainin ang mga isda na naapektuhan ng fishkill.

Read more...