LOOK: Lebel ng tubig sa iba’t ibang dam sa bansa
Bumaba muli ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 192.43 meters ang antas ng tubig ng Angat dam bandang 6:00, Huwebes ng umaga (March 24).
Mababa ito ng 19.57 meters kumpara sa Normal High Water Level na 212 meters.
Nabawasan din ang lebel ng tubig sa Ipo dam (98.89 meters); San Roque dam (238.57 meters); Pantabangan dam (189.03 meters); at Caliraya dam (286.82 meters).
Nanatili naman sa 78.53 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa dam.
Samantala, nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao dam (744.61 meters), Binga dam (573.27 meters), at Magat dam (183.69 meters).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.