Mga pumanaw dahil sa COVID-19, umabot na sa 6.12 milyon

AFP photo

Lagpas 6.12 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,126,565 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,000,765.

Sumunod na rito ang Brazil na may 657,998 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 516,703 naman ang death toll sa India habang 365,802 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 322,119
– Peru – 211,944
– United Kingdom – 164,123
– Italy – 158,254
– Indonesia – 154,221
– France – 141,319
– Iran – 139,802
– Colombia – 139,508
– Germany – 128,196
– Argentina – 127,752

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 475,777,108 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 411,062,184 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...