(UPDATED) Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Cagayan, Miyerkules ng gabi.
Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 46 kilometers Northeast ng Camiguin Island (Calayan) bandang 8:02 ng gabi.
May lalim ang lindol na 20 na kilometro at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 3 – Gonzaga, Cagayan
Intensity 2 – Claveria, Cagayan; Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity 1 – Laoag City, Ilocos Norte
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Ngunit babala ng Phivolcs, maaring makaranas ng aftershocks sa mga karatig-bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.