WATCH: BBM, pinayuhan ni President Duterte kung paano maging pangulo ng bansa

Kahit wala pang pormal na deklarasyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino sa mga kandidato sa pagka-pangulo, naging ganado na ang Punong Ehekutibo sa pagbibigay ng payo kay Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, nagkaroon ng pagpupulong sa Maynila sina Pangulong Duterte at Marcos nitong weekend.

Paglalarawan ni Go, panay ang payo ng Pangulo kay Marcos.

Narito ang bahagi ng pahayag ng senador:

Dumaan aniya sa proseso ang pag-endorso ng PDP-Laban kay Marcos.

Sa ngayon aniya, naghihintay ang PDP-Laban kung aling grupo ang kikilaning lehitimo ng Commission on Elections (Comelec).

Kung ang paksyon na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi at Pangulong Duterte o ang paksyon nina Senador Manny Pacquiao at Koko Pimentel.

Kung tutuusin, ayon kay Go, pagkatapos ng eleksyon, maaring magkawatak-watak ang PDP-Laban.

Nakahanda rin si Go na lumayas sa PDP-Laban kung palalayasin ng partido.

Read more...